KUMUHA LANG
LIMANG HAKBANG.

Nakahanda na ba kayo kung sakaling may kalamidad? Maging ito man ay isang lindol, wildfire, baha o ibang pang emergency, ang paghahanda ay makatutulong na iligtas kayo at ang inyong pamilya.

Ang paghahanda sa sakuna ay mas simple sa iniisip ninyo. Ang paggawa ng mga munting bagay ngayon ay maaaring magdulot ng malaking pagkakaiba sakaling mangyari ang pinakamalubha bukas.

Simulan ang inyong paghahanda sa limang madali at libreng mga hakbang

Nasa ibaba ang mas maraming kasangkapan at mapagkukunan na maaari ninyong magamit upang magtatag ng kamulatan at makatulong na makapaghanda ang inyong mga mahal sa buhay at ibang pang mga tao sa inyong komunidad.

Pinahuhusay namin ang kapangyarihan ng pagboboluntaryo habang tinitiyak na ang kahandaan sa suporta at impormasyon ay hindi lamang limitado sa mga may sapat na pribilehiyo na ma-access, maunawaan at makayanan ito.”

– Gavin Newsom, Gobernador ng California

Ang Kilusang Handa

Ang mga taga-California ay pamilyar sa malupit na realidad ng wildfire at iba pang natural na kalamidad. Mas madalas, ang mga tao at komunidad na pinakamatinding tinatamaan ng mga kalamidad na ito ay ang mga pinakamahina ang kakayanang malampasan ang mga ito. Inilunsad ni Gobernador Gavin Newsom noong Agosto 2019, ang Handa California ay isang kampanyang pangmasa upang palakasin ang katatagan ng komunidad at ihanda ang ating pinakamadaling maaapektuhang populasyon para sa mga kalamidad tulad ng lindol, wildfire, baha at mga pampublikong emergency sa kalusugan.

Layunin ng aming kampanya na matulungang makapaghanda ang lahat ng taga-California. Katuwang namin ang mga pinagkakatiwalaang kaalyado sa bawat komunidad na nakakaunawa sa partikular na mga pangangailangan nito at sa pinakamahusay na mga paraan upang mapahusay ang mga pangkulturang kalakasan ng mga ito. Nagbibigay kami ng mga simpleng tip at kasangkapan sa mga wika na kumakatawan sa malawak na pagkakaiba-iba sa California.

Kayo man ay nagtatrabaho sa Organisasyong Nakabase sa Komunidad, grupo ng pananampalataya, samahang panlipunan, eskuwelahan, grupong sibika o kapitbahayan, maaari ninyong tulungan ang mga tao sa inyong komunidad na maabisuhan, maging handa, at manatiling ligtas. Sa paggawa ng mga maliliit na hakbang at pagtutulungan, maaari nating tiyakin na maging handa ang lahat ng taga-California bago tumama ang kalamidad.

Sama-sama tayo rito.